MGA UNANG TAO SA PILIPINAS
Ang mga Negrito sa Pilipinas, ayon kay H. Otley Beyer, ang sinasabing unang pangkat na dumating sa kapuluan ng Pilipinas noong mga may 20,000 na taon na ang nakararaan. Diumano, pinaniniwalaang ring nanggaling sila sa Borneo at naglakad at tumawid sa pamamagitan ng mga tulay na lupa para marating ang Palawan, Mindoro at ilang bahagi ng Mindanao. Bagaman isa ito sa mga pinaniniwalaan, may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring may iba pang nauna kesa mga Negrito. Kabilang sa mga pinakamatandang katibayan ang tao sa Tabon, kung kaya't may mga naniniwalang hindi mga Negrito ang naunang taong namuhay sa Pilipinas.
Galing sila sa
Borneo at naglakad sa mga tulay na lupa. Nagtungo sila sa Palawan,Mindoro at sa ilang bahagi ng
Mindanao.Pandak at maitim ang mga Negrito. Pango ang ilong at makapal ang kanilang labi.Kulot na kulot
ang itim nilang buhok.Pagala-gala sila upang humanap
ng pagkain tulad ng prutas at halamang-ugat.Nabubuhay sila sa pangingisda
gamit ang kanilang sumpit, busog at pana, at mgakagamitang yari
sa bato.
source:http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_Negrito
ANG MGA INDONES
Unang pangkat

Nagmula sila sa Timog-silangang Asya. Mapuputi sila at balingkinitan ang pangangatawan, matangkad kaysa sa mga negrito, makitid ang mukha, malapad ang noo, malalim ang mga mata at matangos ang ilong. Dumating sila sa Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na nakakalipas. Mas maganda at makabago ang kanilang kalinangan at pamumuhay. Ang kanilang mga pabilog na bahay ay yari sa kahoy at may bubong na yari sa damo o talahib. Ang mga bahay nila ay nakatayo sa lupa o di kaya'y nakahukay sa lupa na may isang metro ang lalim. Ang iba naman ay nasa tuktok na punungkahoy ang bahay. Namuhay sila sa pamamagitan ng pamamana, pangingisda at pagkakaingin. Binubungkal nila ang lupa at nagtatanim ng tugi at milet. Niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Ang kanilang kagamitan tulad ng pinggan ay yari sa dahon. Sila ang mga unang pangkat ng mga Indones. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongot ng Sierra Madre at ng Caraballo.
source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Indones
Ikalawang Pangkat
Ang pangalawang pangkat ng mga Indones na dumagsa sa Pilipinas ay maitim, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang pangangatawan. Sila ay galing sa tangway ng Indo-Tsina at naninirahan sa mga baybayin ng Luzon. Higit na mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa sa mga naunang dumating sa pilipinas.
Ang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas ay ang mga taong nangngaling sa Gitnang Asya, may kulang-kulang isang libong taon na ang nakalilipas. Yari sa tanso ang kanilang mga kagamitan at pinaniniwalaang marunong din silang gumamit ng patubig sa kanilang pagsasaka. Natatanim sila ng palay, gabi, ube at iba't ibang uri ng halamang makakain.
Ikatlong Pangatay ang mga Malay.
Sakay sila ng
bangka na tinawag na balangay.Dumaong sila sa Luzon,
Visayas at Mindanao.May sariling silang pamahalaan at batas.May kaalaman
sila sa sining,musika, at agham.Nabuhay sila sa pagsasaka, pagmimina, pangingisda, at pagpapanday at paggawang mg kagamitang yari sa
bakal.
Mga Unang Dayuhang sumakop sa Pilipinas
FERDINAND MAGELLAN
PAGDATING
NG BANSANG ESPAÑA

Ang
mga Español ang naunang dumating sa bansa. Ito ay pinangunahan ngPortuges na si Ferndinand Magellan. Sa
kanyang ekspedisyon , nakarating siya saPilipinas noong
Marso 16, 1521. Nakipagsanduguan si Magellan kay RajaHumabon na isang pinuno sa Cebu. Bininyagan si
Haring Humabon at kanyangasawa at tinawag silang Carlos at Juana bilang
parangal sa ina ni Haring carlos nasi Reyna
Juana. Pagkatapos ng binyag, isang imahen ng Sto. Niño ang ibinigay niMagellan
kay Juana. Ang imahen ng Sto.Niño ay matatagpuan pa rin sa simbahanng
mga Agostino sa Cebu.
Sa limasawa naganap ang unang misa noong Marso 31, 1521

Ngunit
napatay ng pangkat ni Lapu-lapu, isang pinuno sa Mactan, si Magellannoong Abril 27, 1521 sapagkat ayaw kilalanin
ni Lapu-lapu ang kapangyarihan ngmga Español . Kaagad na umurong
ang mga Europeo pabalik sa Spain.Ang matagumpay na paglalayag ni Magellan ay naging hudyat sa Spain namagpadala ng
iba pang ekspedisyon sa Pilipinas. Ang ekspedisyong Villalobos
angnagbigay ng pangalang
Felipinas
sa
kapuluan bilang parangal kay Prinsipe Felipeng Asturias. Ang ekspedisyong
Legaspi ay nakipagsanduguan din sa mga taga-Cebu. Itinatag niyang Lungsod
ng Kabanal-banalang pangalan ni Jesus bilangparangal sa patrong Niño Jesus. Sumunod
na itinatag ni Legazpi ang pamayananng Maynila at sumailalim ito sa pamumuno ng Spain noong Hunyo 24,
1571.Sinakop ng Espanya ang Pilipinas
sa loob ng 333 taon. Malaki ang nagingimpluwensiya ng Español sa iba’t ibang aspeto ng kulturang Pilipino sakasalukuyan.Una na dito ay ang Kristiyanismo at iba’t ibang
ritwal, tradisyon o kaugalian.Itinuro ang mga sakramentong simbahan,at
pista sa mga bayan at lalawigan.

PAG DATING NG AMERIKANO
Naputol ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas dahil sa digmaaang namagitansa mga Español at
Amerikano. Sa pamumuno ni Commodore George Dewey, at satulong ni hen.
Emilio Aguinaldo, nilusob ng mga Amerikano ang plota ng mgaEspañol sa Look
ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Nanalo ang mga Amerikano atnagwakas ang pamamahala ng mga
Español sa Pilipinas.

Sa ginawang
kasunduan sa Paris na nagsuko sa Pilipinas sa United States, sumamaang ugnayang Pilipino at Amerikano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento